GUSTO KO NG TRUE LOVE (RELOADED)

ITO ANG MGA RULES O ALITUNTUNIN NG GRUPONG ITO:
1. Ipinagbabawal ang pag gamit ng FAKE, POSER, AT MULTIPLE ACCOUNTS sa group na ito.
2. Bawal mag post ng business or networking ads, ang grupong ito ay ginawa upang tayo’y makipag kaibigan at makipagkasiyahan, at ipinagbabawal din ang pag post o pag gamit ng logo o ID ng ibang grupo sa grupong ito, sa kadahilanang ito’y kahalintulad na din ng pag imbita sa ibang grupo at kawalang galang sa mga bumuo at bumubuo ng grupong ito.
3. Bawal din sa grupong ito ang di angkop na mga salita, pag mumura o pag trashtalk sa sinuman sa grupong ito, lalong lalo na sa mga admins, creator at founder ng grupong ito.
4. Ipinagbabawal din ang pag popost ng anumang litrato na hubad, nanghahamak o nang iinsulto sa sinuman.
5. Mahigpit na pinagbabawal ang pag block sa mga admins o kahit na sino pa man sa grupong ito sa kahit na anumang kadahilanan.
6. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pang ii snob, pambabara o pang iinsulto sa kahit na sinuman, ang mga admins lalo na ay hinihikayat na makipag usap sa kahit na sinuman sa loob ng grupo ng ngiti sa labi. Dapat ay lagi tayong may ngiti sa labi lalo na kung nkikipag usap sa ating mga kapwa miyembro.
7. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pakikipagtalo o pakikipag away sa kahit na sinuman sa grupong ito, maging miyembro man o admins. Pinaka pinagbabawal ang pakikipagtalo o pakikipag away sa creator o founder, lalo na kung ito ay tungkol sa paglabag sa mga rules na ito.
8. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpost, paghingi at pamimigay ng personal na numero ng cellphone o mobile phone, kung nais nyong makipagpalitan ng numero ay iadd at ipm nyo na lang ang pamamaraan na to.
9. Mahigpit na pinagbabawal ang pag add ng mga banyaga sa grupong ito, ang grupong ito ay ginawa para sa mga kababayan natin, at hindi para sa mga banyaga na ang ilan ay hindi maganda ang iniisip o dahilan kaya sumasali sila sa mga ganitong grupo.
10. Ang lahat ay hinihikayat na mkipag usap o makipagkasiyahan sa salita o lenggwaheng naiintindihan ng pangkalahatan, ito’y upang maiwasan ang di pagkakaintindihan na madalas ay nagiging resulta ng away o pagtatalo.
Ang paglabag sa anuman sa mga rules na to ay may karampatang parusa na tanging ang creator, founder at mga admins lang ang nkakaalam matapos ang itinakdang proseso. Kaya kung ninanais nyong manatili sa grupong ito ay hinihikayat kayong basahin at sundin palagi ang mga rules na ito upang maiwasan ang di magandang pangyayari.
Kung kayo ay may nais na sabihin, I report o isuggest ay hinihikayat kayong I add o imessage ang mga admins, creator at founder ng grupong ito.
Maraming salamat po at Mabuhay ang ating grupo Gusto Ko Ng True Love Reloaded

Creator Bert Engelbert Gutierrez Pesquera
Co-creator/Founder Lyn Princess Arjimcelyn Al-Nhadjie

President Chriz Naziarhc Bruzula
Vice President Janice Lawrence

Junior Admins
Jomel Espelita
Joshua Estrada
Robelyn Cajan Bulanday
Azil Pasaway
Jim Lux Soriano

(Date established: Sept 29, 2014)