Licab

'Licab? Sa'n 'yun?'

Hindi na bago sa akin kapag tinatanong ako ng ganyan.

Pag binanggit ko kasi kung tiga-saan ako o saan ang bayan na kinalakihan ko, sinasabi ko, 'sa Licab, Nueva Ecija'.

Laging may ibinabalik silang tanong- 'Licab? Sa'n 'yun?'

Lagi rin akong may nakahandang sagot- 'Dulong bayan yan ng Nueva Ecija-katabi na kami ng Tarlac. Kung pupunta ka sa amin galing sa Cabanatuan, kakaliwa ka sa Sicsican, Talavera. Tapos, dadaan ka sa Sto. Domingo at Quezon. Pag diniretso mo pa 'yun, Licab na.

Actually, hindi kataka-taka ang tanong na iyon lalo na kung ang mga magtatanong ay taga-Maynila. Kasi nga naman, kahit na iyong ibang taga Nueva Ecija nga eh, minsan, hindi pa alam kung nasaan ang Licab.

Nasa Internet naman ang Licab. Kumbaga, nakaguhit naman sa mapa. Pero nakakalungkot, ayon sa wikipedia, 4th class municipality lang ang Licab. Gusto kong lokohin ang sarili ko para sabihing mataas pala ang ranggo ng bayan ko pero ito pala ang sinasabi ng internet:

Municipalities are divided into income classes according to their average annual income during the last three calendar years:

1st class P50,000,000 or more.
2nd class P40,000,000 or more but less than P50,000,000.
3rd class P30,000,000 or more but less than P40,000,000.
4th class P20,000,000 or more but less than P30,000,000.
5th class P10,000,000 or more but less than P20,000,000.
6th class Below P10,000,000

Ang talang sinabi ng wikipedia ay noon pang taong 2012 (tumaas ang antas mula 5th papuntang 4th sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Willy Domingo).

May pag-asa pa. At hindi kailanman mawawala iyon habang may mga taong patuloy na mananalig na may pagbabago pa ring magaganap para sa bayan ko. May pag-asa pa. Darating ang panahon, mababago rin ang mga katagang maririnig ko kapag sinabi kong tiga-Licab ako.

Kagaya rin nang pananalig na may pag-asa pa para sa Pilipinas.

Makikilala rin ang Licab bilang isang progresibong munisipalidad.

May pag-asa pa.