OFW JOIN FORCE

WELCOME TO: Overseas Filipino Worker Join Force

Layunin ng Grupo:

Ipunin at pag isahin ang lahing Filipino sa iba't ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga karapatan tungkol sa pangingibang-bansa.

Ang Overseas Filipino Worker JOIN FORCE ay sumusuporta o tumutulong sa mga OFW na may problema sa mga amo o kanilang mga ahensya. Lalong-lalo na sa mga "Distressed OFW's"na hindi pinapansin ng ahensya ng gobyerno. Kami ang magiging boses para maiparating ang kanilang mga hinanaing sa tamang kina-uukulan. Ang grupong ito ay walang masamang intensyon sa mga OFW kundi ang tumulong sa mga nangangailan bilang bahagi ng sebisyong publiko. Hindi kami umaasa sa anumang kapalit ng aming naibibigay kundi buong puso naming inaalay para sa inyong lahat.

Ang OFW JOIN FORCE ay nagsimula noong July 31, 2011. Gumawa ng maraming sangay sa ibat-ibang bansa para madaling suportahan at tulungan ang mga OFW na nangangailangan ng tulong.

Mga alituntunin para sa grupo ng OFW JOIN FORCE. Para maayos ang pag uusap usap may dapat gawin ang administrators ng pahina na ito sa inyong mga posts:

1) tanggalin ang mga mapanira o "libelous" na mga posts, maging mga posts na may laman na pagmumura, pambabastos, at paninira base sa relihiyon, lahi, kasarian, o "political affiliation"

2) tanggalin ang mga posts na namemersonal, o may laman na mga paninira sa kahit na sinong tao o kahit anong kumpanya o grupo

3) tanggalin ang mga litrato, video, at links na may pino-promote na personalidad o kumpanya, o binebenta na produkto.

4) Aming pinagbabawalan ang pakikipag- away sa "Comment Section" Respetuhin ang Opinion ng bawat isa.

5)Aming pinapayuhan ang mga nagpo-post sa Group na ito na huwag mag-post ng mga mensahe gamit ang "ALL CAPS," o anumang uri ng post na nakakalito ang paraan ng pag-type. Maaari naming tanggalin ang anumang ganitong post sa group na ito.

Salamat at Pagpalain tayong lahat.

OFW JOIN FORCE - Worldwide Creator & Administrator
Creator: Silence Sniper - Kingdom of Saudi Arabia